Ang Mga Talinghaga ng Panginoong Jesus ay Nagpapakita sa Atin sa Misteryo ng Pagpasok sa Kaharian ng

propesiyaAng mga naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon ay maaaring nabasa na ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan. At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa’t araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan. At siya’y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa; At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan. Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa. At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa? At sinabi nila sa kaniya, Sapagka’t sinoma’y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan. At nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una. At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa’t tao ng isang denario. At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila’y magsisitanggap sila ng higit; at sila’y nagsitanggap din bawa’t tao ng isang denario. At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan, Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila’y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog. Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario? Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo. Hindi baga matuwid sa aking gawin ang ibig ko sa aking pag-aari? o masama ang mata mo, sapagka’t ako’y mabuti? Kaya’t ang mga una’y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna: sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 20:1-16).

Binanggit din ni Jesus ang tungkol sa talinghaga ng matatalinong dalaga: “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog. Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa’t sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala. Mangagpuyat nga kayo, sapagka’t hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras” (Mateo 25:1-13). May malapit na kaugnayan sa pagitan ng dalawang propesiyang ito, na kapwa tungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ang ilang tao ay maraming taon na naniwala sa Panginoon, ngunit hindi muna sinalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Ang ibang tao ay naniwala sa Panginoon sa napakaikling panahon lamang, ngunit sa katunayan ay nasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Ang ilang tao ay ni hindi naniwala sa Panginoon, kundi tinanggap ang Panginoon dahil maganda ang naging pakiramdam nila tungkol dito nang narinig nila ang ilang tao na sumaksi para sa Panginoon. Ito ang nagsakatuparan sa salita ng Panginoon: “Kaya’t ang mga una’y mangahuhuli.” Ang ilang tao ay naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Yamang hindi nagbigay sa kanila ng pagbubunyag ang Panginoon, nang narinig nilang nasaksihan ng isang tao ang pagbabalik ng Panginoon, hindi sila tumanggap kundi sa halip ay humatol at nagkondena. Narinig ng ilang tao na may isang taong nakasaksi sa Panginoon. Matapos ang paghahanap at pagsusuri, pinatunayan nila na iyon ang tinig ng Panginoon at nakadama ng sama ng loob sa kanilang puso: “Paano akong napag-iwanan matapos maniwala sa Panginoon sa napakatagal na panahon? Naniwala sila sa Panginoon sa gayon kaikling panahon, paanong sila ang naunang tumanggap sa Panginoon?” Sila noon ay nagagalit at mainggitin. Ang pinakamahalaga, ang iilan na tumanggap sa pagbabalik ng Panginoon ay tumanggap ng gantimpala, ngunit yaong mga naniwala sa maraming taon ay walang natanggap na gantimpala. Tila hindi ito patas sa kanila, ngunit sinabi ng Panginoon sa gayong mga tao, “Masama ang mata mo, sapagka’t ako’y mabuti?” Ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay upang ibunyag ang lahat ng tao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Ito ay ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Panginoon! Nakikita mo ba ito ngayon?

Alam ng ilang tao na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at kaya no’ng linisin at iligtas ang mga tao, pero hindi pa rin nila ‘yon tinatanggap. Patuloy silang kumakapit sa sarili nilang imahinasyon at pagkaintindi. Iniisip nilang kung pangangalagaan nila ang pangalan ng Panginoong Jesus, at magsisikap at magsasakripisyo para sa Panginoon, magagawa nilang makapasok sa kaharian ng langit. Ano’ng uri ng mga tao sila? Masasabi niyong hindi tinatanggap ng mga taong ‘yon ang katotohanan. At mas lalo pa, hindi nila sinusunod ang Diyos. Hindi sila mga mananampalataya! Pinipili nating mga mananampalataya ang sarili nating landas. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na pumili ng daan. Gano’n pa man, dapat nating maunawaan na sa tuwing nagsasagawa ang Diyos ng isang yugto ng bagong gawain, binibigay Niya sa mga tao ang katotohanan at ang paraan kung pa’no sila mamumuhay. Kailangan tayong tumanggap at sumunod. Walang pakialam ang Diyos kung gaanong gawain ang nagawa natin noon, gaano ang ating pinagdusahan at kung gaano ang halagang ibinayad natin. Basta hindi natin sinusunod ang kasalukuyang mga salita at gawain ng Diyos, hindi nakakamtan ang paglilinis sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw upang makamit ang katotohanan at makalaya sa kasalanan, makakaharap natin ang kaparusahan ng Diyos. Ito ay pinagpasiyahan ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Aku telah menetapkan tujuan akhir setiap orang bukan berdasarkan umur, senioritas, banyaknya penderitaan yang dialami, apalagi sedikit banyaknya mereka memohon belas kasihan; melainkan berdasarkan apakah mereka memiliki kebenaran atau tidak. Tidak ada pilihan lain. Engkau harus menyadari bahwa semua orang yang tidak mengikuti kehendak Tuhan akan dihukum. Ini fakta yang takkan berubah. Karenanya semua orang yang dihukum, akan menerima hukumannya demi kebenaran Tuhan dan sebagai ganjaran atas tindakan jahat mereka” (“Persiapkan Dirimu dengan Perbuatan Baik untuk Tiba di Tempat Tujuanmu”). Alam nating lahat, nang ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ang mga Fariseo na naniwala na ang kanilang masipag na paggawa ay karapat-dapat at napaka-kuwalipikado nila na natigil sa Kapanahunan ng Kautusan. Buong katigasan ng ulo silang umayon sa Lumang Tipan ng Biblia. Kinondena at kinalaban nila ang Panginoong Jesus. Tumanggi silang tanggapin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Sa huli, sila ay pinarusahan ng Diyos. Ito ay isang katunayan na hindi maikakaila. Sa gayunding paraan, ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay dumating na at ipinapahayag Niya ang katotohanan at ipinagkakaloob ang landas ng buhay na walang hanggan sa sangkatauhan. Kung ang ginagawa lang natin ay umaayon sa pangalan ng Panginoong Jesus habang tinatanggihan at kinakalaban ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kung gayon kahit gaano ang nagawa nating gawain noon at kahit gaano kalaki ang ating pagdurusa noon, tayo’y kasusuklaman ng Diyos. Tayo ang pupuntiryahin ng Kanyang pagpapabaya at sa huli, makakaharap natin ang kaparusahan at pagpuksa ng Diyos. Ito ay isang katunayan na hindi kailanman magbabago.

Basahin pa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Paano, gayon, nila makikita ang Diyos?” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”).

Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinaka-hibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guniguni. At sa gayon sinasabi ko na ang mga tao na hindi tatanggap kay Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Ikaw ay naniniwala sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Si Cristo ay darating sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kanya ay mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng sinaunang panahon at ang pagpasok sa bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng mga papasok sa bagong panahon. Kapag ikaw ay walang kakayanang magpasalamat sa Kanya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon ikaw ay nakatakdang masunog magpakailanman, at hindi kailanman papasok sa kaharian ng Diyos. Para dito si Cristo Sarili Niya ay ang kapahayagan ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain sa lupa. At gayon sinasabi ko sa iyo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. Ako ay nagsasabi rin sa iyo na kapag ikaw ay lumaban kay Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, sa gayon walang sinuman ang may kakayanan na magpasan ng mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito ikaw ay hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo ko sa lahat na huwag ilabas ang iyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang magdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang magpapahintulot na ikaw ay maipanganak muli at makita ang mukha ng Diyos” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”).

Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”).

Ngayon nauunawaan na nating lahat. Talagang nakita nating nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ginagawa na ngayon ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Isa ‘tong pahayag sa lahat ng nasa relihiyosong komunidad! Ngayon, nasa kapanahunan ng kapanglawan at malaking paglalahad ang relihiyosong komunidad. Ang lahat ay ibubukod sa kanilang wastong lugar. Nakikita niyo ba? Hindi ba’t makapangyarihan ang gawain ng Diyos na lihim na pagbaba? Sino’ng tao ang makakagawa ng isang bagay na kasing-dakila no’n? Ang gawain ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan sa mga huling araw ang magbubunyag sa lahat. Ibubunyag ng Diyos kung sino’ng tao ang trigo at sino ang mga tara; sino ang matatalinong birhen at sino ang mga hangal na birhen. Ang mga tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang matatalinong birhen. Iaakyat sila sa harap ng luklukan ng Diyos at tatanggap ng paghatol at paglilinis ng Kanyang salita. Unti-unti nilang mauunawaan at makakamit ang katotohanan. Lalago sila upang tunay na makilala ang Diyos. Palalayain nila ang mga sarili nila sa kanilang satanikong disposisyon at impluwensya ni Satanas. Sa huli, gagawin silang perpekto ng Diyos at magiging mga mananagumpay. Itong grupo ng mga mananagumpay na nilikha ng Diyos ay mamumuno kasama ang Diyos sa Kanyang kaharian sa hinaharap. Sila ang magiging mga haligi ng kaharian ng Diyos. Tutuparin nila ang propesiya: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Kapag nilikha ng Diyos ang mga mananagumpay na ito, ang Kanyang gawain ng paghatol na nagsisimula sa Kanyang tahanan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay magwawakas na. Pagkatapos ipapadala Niya ang malaking sakuna, parurusahan ang masama at gagantimpalaan ang mabuti. Lahat ng lumalaban at kumukondena sa Makapangyarihang Diyos ay mabubuwal sa minsan-sa-isang-milenyong sakuna at parurusahan. Lahat ng mga nilinis at ginawang perpekto ng Diyos ay poprotektahan Niya at makakaligtas sa malaking sakuna. Papasok sila sa kaharian ng Diyos at mamanahin ang Kanyang mga pangako at mga biyaya. Ito ang lubos na tutupad sa sumusunod na propesiya: “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 11:15). “Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:3-4). Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos:

Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa ibabaw ng lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa ibabaw ng lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa ibabaw ng lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa ibabaw ng lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa ibabaw ng lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa ibabaw ng lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili” (“Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama”).

Kasunod ng kaganapan ng mga salita Ko, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting babalik sa pagiging-karaniwan ang tao, at sa gayon naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, mababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan na ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa madilim, mahirap na mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi na nakikipag-away ang mga tao sa isa’t isa, hindi na makikipagdigma ang mga bansa sa isa’t isa, wala na ang patayan at ang dugong dumadaloy mula sa patayan; mapupuno ang lahat ng mga lupain ng kaligayahan, at punung-puno ng init sa pagitan ng mga tao ang lahat ng dako” (“Ang Ikadalawampung Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob).

Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad maisasakatuparan: Ang tao ay papasok sa hinaharap na hantungan sa oras lamang na maging ganap ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa oras na si Satanas ay ganap nang natalo. Ang tao ay hindi na magkakaroon ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay madalisay, dahil madadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga masamang puwersa, at walang masamang mga puwersa ang maaaring sumalakay sa laman ng tao. At kaya makalalaya ang tao, at magiging banal—siya ay makapapasok sa kawalang-hanggan” (“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”).

mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip


Pinagmumulan:https://tl.vangelodioggi.org/talinghaga-ng-Jesus-misteryo-kaharian-ng-langit.html

————————————————

​Basahin ang pinanggalingan ng mga debosyon na ito — Artikulo tungkol sa mga parabula sa Bibliya upang mas makilala ang Diyos.

0コメント

  • 1000 / 1000