Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos s

Ipinako ang Panginoong Jesus bilang alay sa kasalanan para tubusin ang sangkatauhan. Tinanggap na natin ang Panginoon, at nakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos. Hindi gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw na iligtas ang sangkatauhan. Ang nakamit ng gawaing pagtubos ay nagsilbi ang Panginoong Jesus ilang alay sa kasalanan para sa ating lahat, at tinubos Niya tayo mula sa mga kamay ni Satanas, pinagsisi tayo sa ating mga kasalanan, at tinanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ginawa Niya tayong karapat-dapat na humarap sa Diyos at tamasahin ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Iyan ang tunay na kahulugan ng gawain ng pagtubos. Pero maraming tao ang hindi nakakaintindi. Palagi nilang iniisip na ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ang nagkaloob ng ganap na kaligtasan sa sangkatauhan, at pinahintulutan tayong pumasok sa kaharian ng langit. Ang ideya na ‘yan ay ganap na nagmula sa imahinasyon ng tao. Binigyan tayo ng Panginoong Jesus ng kaligtasan, totoo ‘yan, pero binago ba nito ang mga makasalanang kalikasan natin? Talaga bang naging banal tayo dahil pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan natin? Kung gayon, bakit madalas pa rin tayong nagkakasala? Talaga bang aaprubahan ng Panginoon ang mga madalas na nagkakasala? Kakaunting tao ang nag-isip tungkol sa problemang ito, at wala pa tayong nakitang kahit sino na talagang nakakaintindi sa problemang ito. Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa katayuan ng kasalanan. Napatawad ang ating mga kasalanan, nabigyan tayo ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, katotohanan ito. Pero habang naniniwala tayo sa Panginoon at sinusunod at Panginoon, madalas din nating pinagtataksilan ang mga turo ng Panginoon, at nagpapaubaya sa mga kagustuhan ng laman na magkasala. Nagsisinungaling tayo, nandaraya, nanlilinlang, nang-iintriga, naghahangad ng katanyagan at kayamanan, nagpapaubaya tayo sa kalayawan, naghahangad ng kayamanan, at sinusunod ang mga kalakaran ng masamang mundo… Sa mga panahon ng pighati at pagsubok, madalas nating di-nauunawaan at sinisisi ang Diyos, o iniiwanan at pinagtataksilan pa natin ang Diyos. Kapag hindi naaayon ang gawain ng Diyos sa mga ideya ng tao, walang-ingat nating hinahatulan at kinokondena ang Diyos. Kasabay ng pagsunod natin sa Diyos, sinasamba at sinusunod natin ang mga tao. Nabubuhay tayo sa siklo ng pagkakasala at pagsisisi, mahirap matakasan ito. Hindi natin mapalaya ang ating mga sarili mula sa mga bigkis at pagkontrol ng ating malasatanas na kalikasan, katotohanan ito. At bagama’t tapos na ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, at napatawad na ang mga kasalanan natin, at hindi na tayo isinusumpa dahil sa paglabag sa mga utos ng Diyos, at pwedeng humarap sa Diyos para magdasal sa Kanya at tamasahin ang kabuuan ng biyaya ng Diyos, hindi ito nangangahulugan na tapos na ang gawaing pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, dahil nananatili pa rin sa ating kalooban ang makasalanang kalikasan. Pinipilit pa rin tayo ng malasatanas na kalikasan natin na tutulan at pagtaksilan ang Diyos. At kung hindi natin nakikilala ang Diyos, hindi natin kailanman katatakutan ang Diyos at ilalayo ang mga sarili natin sa kasamaan, lalo pang hindi mararating ang katayuan ng ganap na pagsunod sa Diyos, pagkakaayon sa Diyos at kabanalan. Hindi pa talaga tayo nakakamit ng Diyos. Alam nating lahat, banal ang Diyos, at matuwid. Kung hindi mapapabanal ang mga tao, hindi nila makikita ang Panginoon. Hindi pahihintulutan ng Diyos ang marumi o masama sa Kanyang kaharian. Ipinapasya ito ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Kaya sa mga huling araw, ayon sa Kanyang plano sa pamamahala, kailangang iligtas ng Diyos ang sangkatauhan, ipatupad ang Kanyang gawaing paghatol at pagkastigo, para alisin ang mga gapos at pamigil dulot ng kasalanan sa masamang sangkatauhan at siyang mga ugat ng pagkakasala at tulungan ang sangkatauhan na tuluyang makawala sa impluwensiya ni Satanas, mailigtas ng Diyos, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Tingnan natin ang dalawa pang talata mula sa Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa mga huling araw, ganap na ililigtas ng Diyos ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas, pahihintulutan ang tao na bumalik talaga sa Diyos at maging akma kay Cristo, at maging mga banal na tao na gumagalang at sumusunod sa Diyos. Ang tanging paraan para makamit ito ay sa pamamagitan ng gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan lamang ng paghatol at mga pagbubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na malalaman ng mga tao sa wakas ang katotohanan kung paano sila pinasama ni Satanas, at ang diwa ng kanilang kalikasan, at malalaman ang matuwid at maringal na disposisyon ng Diyos na hindi nagpaparaya sa pagkakasala. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ang mga tao ng totoong pagsisisi, mga kaloobang namumuhi sa laman at nagrerebelde laban kay Satanas, at mga pusong natatakot sa Diyos, talagang makawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas, bumalik sa Diyos, at makamit ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang maililigtas ang sangkatauhan sa wakas at makapasok sa kaharian ng langit.

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono


——————————————————


Magrekomenda nang higit pa : Bakit mahalaga ang kaligtasan

0コメント

  • 1000 / 1000