Natuto Akong Makipagtulungan sa Kapwa

Liu Heng Jiangxi Province

Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, tinanggap ko ang responsibilidad na maging isang pinuno ng iglesia. Sa panahong iyon, naging napakasigla ko at nagtakda ako ng resolusyon sa harapan ng Diyos: Kahit ano pa ang aking kaharapin, hindi ko pababayaan ang aking mga responsibilidad. Makikipagtulungan akong mabuti sa ibang kapatid at hahanapin ko ang katotohanan. Subalit ako ay desidido lamang, at hindi ko alam kung paano isasabuhay ang isang magandang samahan sa gawain. Noong nagsimula akong mag-ayos ng mga gawain sa iglesia kasama ng kapatid na katrabaho ko, at kapag nagkaroon kami ng magkaibang mga opinyon, sadya akong nagdarasal sa Diyos at hinihingi sa Kaniya na protektahan ang aking puso at kaluluwa para hindi ko masisi ang aking kasama. Gayunpaman, nakatuon lamang ako sa pagkontrol sa aking mga kilos para hindi na kami magkaroon ng mga pagtatalo ng aking kasama, kaya hindi ako nakapasok sa katotohanan. Samakatuwid, sa paglipas ng panahon, nagkaroon kami ng mas marami pang di-pagkakaunawaan ng aking kapatid. Minsan ay gusto ko sanang itaas ang posisyon ng isang kapatid sa gawaing pagdidilig at sinabi ng kasama kong kapatid na ang kapatid na tinutukoy ko ay hindi magaling. Pagkatapos kong magpalit ng ibang kandidato, sinabi pa rin niya na hindi rin ito magaling. Bigla akong nainis at galit na sinabing: “Walang magaling, ikaw lang ang magaling!” Dahil dito, hindi ko na kailanman binanggit ang bagay na ito. Noong tinanong niya ako tungkol dito, buong galit kong sinabi: “Piliin mo kung sino ang gusto mo! Wala akong pakialam!” Pagkatapos nito, kahit ano pa ang kaniyang sinabi, kung mayroon mang hindi pagkakasundo, wala na akong sinasabi, kinimkim ko ito dahil inisip ko na sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagtatalo. Kung minsan, ang pagkikimkim ay hindi ko na makayanan, kaya magtatago ako sa isang lugar at iiyak, pakiramdam ko na ginawan ako ng mali. Naisip ko pa nga na: Kaya mo yan, di ba? Kung ganon, gawin mong mag-isa! Panonoorin kitang magkamali! Pagkaraan, binigyan ako ng nakatataas ng lider ng isang gawaing haharapin. Ang lahat ng bagay na ito ay napagdesisyunan at naisaayos kong mag-isa, at nasiyahan ako rito. Inisip ko na ang kasama kong ay pupurihin at susuportahan ako. Sa hindi inaasahan, hindi ito tinanggap ng aking kasama na parang binubuhusan ako ng malamig na tubig, at sinabing: “Hindi ito ang tamang paraan para isagawa ito!” Talagang ikinagalit ko ito. Naisip ko: Hindi mo man lang tiningnan ang aktuwal na sitwasyon at basta mo na lang itong tinanggihan. Iyan ay lubos na kayabangan! Bunga nito, pareho kaming nanindigan sa aming mga opinyon at wala sa amin ang handang sumuko sa isa’t isa. Pagkatapos, hindi man lang ako nakinig sa mga pagpapahayag ng salita ng Diyos. Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, lalo kong naramdaman na mali siya. Siya itong nagsamantala sa kaniyang pagiging mas matanda para sadyaing gawing mahirap ang mga bagay para sa akin. Naisip ko rin kong paano ko siya paulit-ulit na pinagbigyan, subalit ganito pa rin ang pagtrato niya sa akin. … Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, lalo kong naramdaman na may maling ginawa sa akin, hanggang tuluyan akong naiwan sa kadiliman at nawala ang gawain ng Banal na Espiritu. Mula noon, ayoko nang makasama siya sa trabaho. Naisip ko: Dahil mahirap siyang pakitunguhan, pagtataguan ko na lang ito. Noong panahon na iyon, batid ko rin na ang ganitong uri ng sitwasyon ay medyo mapanganib. Inisip ko na mas makabubuti na hilingin ko na pagpalitin ang mga responsibilidad sa laong madaling panahon para maiwasang makagawa ng masama. Dahil dito, ginamit ko ang aking mababang katayuan at kawalan ng kakayahan bilang dahilan para gawin ang aking sulat ng pagbibitiw. Hindi nagtagal, ang nakatataas na lider ay nakipag-usap siya sa akin tungkol sa prinsipyo ng pag-amin ng kabiguan at pagbibitiw pati na ang dakilang pagsasaalang-alang ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao. Subalit naging matigas na ang aking puso at hindi na ito mapapalambot pa.

Kinaumagahan pagkatapos kong bumangon, ganap blangko ang aking isip. Kahit pa nagdasal ako, hindi ko maramaman ang Diyos at pakiramdam ko ay pinabayaan na ako ng Diyos. Natakot ako at nataranta; tiyak na ang aking asal ang dahilan ng pagkasuklam ng Diyos sa akin. Dahil dito, nagsimula akong suriin ang aking sarili. Pagkatapos kong pag-isipan ang tungkol sa lahat ng nangyari, nabatid ko na ang aking disposisyon ang sanhi ng pagkasuklam sa akin ng Diyos. Ang aking mga iniisip at aking mga kilos ay ganap na kapareho ng isang hindi naniniwala. Namuhay akong tulad ng isang hindi naniniwala, na nananatiling hindi nagbago. Wala ang mga salita ng Diyos sa aking asal at wala akong paggalang sa Diyos. Ako ay naging isang tao lamang na hindi tinanggap ang katotohanan. Bilang resulta, naloko ako ni Satanas at isinuko ko ang aking mga responsibilidad nang hindi ko namalayan. Pagkatapos ko itong mabatid, kaagad akong humandusay sa harapan ng Diyos at nagsisi: “O Makapangyarihang Diyos, nagkamali ako. Naniwala ako sa Iyo, ngunit hindi ako naging handa na maranasan ang Iyong gawain. Inayos Mo ang aking kapaligiran at hindi ako naging handa na tanggapin ito; buong puso kong ginusto na iwasan ang Iyong pagkastigo at paghatol, at nang dumating sa akin ang Iyong pagmamahal, hindi ko lamang ito hindi pinahalagahan, nagreklamo din ako sa Iyo at hindi Kita naunawaan. Nasaktan Kita ng aking asal. O Diyos, nagpapasalamat ako sa Iyo sa pagbubunyag Mo sa akin ng Iyong gawain at hinayaan Mo ako na mabatid ang disposisyon ni Satanas na nasa kalooban ko. Kung hindi dahil dito, iniisip ko pa rin sana na hindi ako masama. Ngayon ay nakikita ko na ang aking katayuan ay talagang napakaliit. Hindi ko kayang harapin kahit ang pinakamaliliit na kabiguan. Kapag may maliit na bagay na hindi ko gusto ang nangyari, gusto kong magtaksil sa Iyo. Tinalikuran ko ang aking mga ipinangako sa Iyo. O Diyos, nakahanda akong magsisi; nakahanda akong kilalanin ang aking sarili sa pamamagitan ng Iyong mga salita at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Iyong mga salita. Nakahanda akong sumuko sa Iyo sa ganitong kapaligiran at makipagtulungan nang mabuti sa aking kapatid. O Diyos, hindi ko na ninanais na mabuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas at napipigilan ng aking masamang disposisyon. Hindi ko na ninanais na mabuhay para sa sarili kong dignidad, ngunit nakahanda akong pasayahin Ka kahit minsan!” Pagkatapos magdasal, napaluha ako at pagkatapos ay binawi ang aking liham ng pagbibitiw at agad itong pinunit hanggang magkapira-piraso. Noong nagtipon kami sa araw na iyon, ang ilan sa amin ay magkakasamang nagbabasa ng salita ng Diyos: “Ang inyong karangalan ay nawasak, ang inyong bikas ay nakakahiya, ang inyong paraan ng pagsasalita ay mababa, ang inyong buhay ay kasumpa-sumpa, at maging ang inyong buong pagkatao ay mababa. Kayo ay makitid-ang-isip tungo sa mga tao at kayo ay nakikipagtawaran sa bawat kaliit-liitang bagay. Kayo ay nakikipag-away sa inyong sariling karangalan at katayuan, kahit hanggang sa punto na handa kayong bumaba sa impiyerno, tungo sa lawa ng apoy” (“Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Hindi masyadong pinipilit ng mga tao ang kanilang mga sarili, pero marami silang hinihingi sa Diyos. Hinihingi nila sa Kanya na maging napakabait sa kanila at maging matiisin at mapagtimpi sa kanila, itangi sila, pagkalooban sila, ngitian sila, at pangalagaan sila sa maraming paraan. Inaasahan nila na hindi Siya maging istrikto man lamang sa kanila o gawan ng anumang bagay na hindi nila magugustuhan, at nasisiyahan lamang kung kinakausap Niya nang malambing araw-araw. Ang mga tao’y napaka-hindi-makatuwiran!” (“Ang Mga Taong Laging May Kinakailangan sa Diyos ang Pinaka-hindi-makatuwiran” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang salita ng Diyos ay tuluyang nagdala sa aking nakakahiyang sitwasyon at maka-demonyong anyo sa liwanag. Hiyang-hiya ako na hindi ko maiwasang isipin na sana ay may siwang sa lupa para gumapang ako papasok dito. Sa pamamagitan ng pagbubunyag at pagliliwanag ng salita ng Diyos, nakita ko na ang disposisyon ni Satanas sa kalooban ko ay napakalala. Nagkaroon ako ng kalikasan na arogante at mayabang na inisip ko na mas magaling ako kaysa sa ibang tao. Wala akong kahit kaunting pagpapahalaga sa kamalayan ng sarili; hindi ko nabatid na hindi ako mas magaling. Samakatuwid, noong ako ay nagtatrabaho kasama ang aking kapatid, palagi kong iniisip na ako ang namamahala, na ako ang pinuno. Sabik ako na sumunod ang kapatid sa akin sa lahat ng bagay at makinig sa akin. Palagi kong inisip na ako ang pinuno. Noong ang mga opinyon ng kapatid ay sumalungat sa akin, hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin ang pagtatalo o magkaroon ng pagkakaunawaan. Sa halip, nawawalan ako ng pasensiya at nag-iinarte ako dahil napahiya ako at umaabot hanggang iiwan ko ang aking gawain para ilabas ang aking mga pagkadismaya. Nagkaroon ako ng mga mapanghusgang ideya tungkol sa kapatid at hindi ko kailanman inisip na magkusa para mapabuti ang aming hindi magandang relasyon. Kapag magkasama kaming nagtatrabaho, palagi kong ipinapakita na ako ay may magandang kalooban. Hindi ko hiningi sa sarili ko na magbago, kinamuhian kong makipag-usap nang masinsinan sa kapatid. Pinagtuunan ko siya at hininging baguhin niya ang kaniyang sarili. Itinuring ko ang aking sarili na dalubhasa sa katotohanan at tiningnan ang ibang tao na masama. Sa kabuuan ng proseso ng aming magkasamang pagtatrabaho, hindi ko sinuri ang aking sarili. Kapag ang kapatid ay may hindi tamang pag-aasal, o kapag may pagkakaiba ng opinyon sa pagitan namin, iipunin ko ang lahat ng sisi at ipapasa ito sa aking kasama. Naniwala ako na siya ay mali at ako ang tama, kaya minaliit ko siya sa aking puso at nagdiskrimina ako laban sa kaniya hanggang umabot sa punto na itinuring ko siyang kagaya ng isang kaaway, ginusto kong makita ang aking kasama na gawing katawa-tawa ang kaniyang sarili. Sa pagkabatid ko sa aking pagmamataas, malupit na kayabangan, kawalang kabuluhan, at pagiging kahabag-habag, pati na ang pagiging makitid ng aking pag-iisip, paano pa kaya magkakaroon ng anumang natitirang normal na diwa ng tao sa akin? Ako ay talagang wala sa katuwiran! Biniyayaan ako ng Diyos at binigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng responsibilidad, subalit hindi ko inisip na makipagtulungang mabuti sa kapatid sa aming mga tungkulin para pasayahin ang Diyos. Sa buong maghapon, hindi ako nakibahagi sa matapat na paggawa, nagpapakana ako laban sa kaniya, at nagkakaroon ng mapanibughong pakikipagtalo sa kaniya. Sa buong maghapon, ang tanging alam ko ay ang makipag-away tungkol sa aking sariling mga hinanakit at walang tigil na nakikipaglaban para sa aking sariling dignidad at kabuluhan. Nagkaroon ba ako ng makatuwirang konsensya? Ako ba ay naging isang tao na naghanap sa katotohanan? Mula sa umpisa, kami ng kapatid ay hindi nagparaya sa isa’t isa ni sumuporta sa isa’t isa sa aming gawain; sa halip, pinamahalaan namin ang aming sarili at nagkani-kaniya kami. Wala ba ako sa landas ng pagiging anticristo? Hindi ba ang paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan ay patungo sa pagkasira ng sarili? Ngayon, nakikita ko nang ang aking asal ay tungkol lamang sa makasariling paghahangad ng laman. Ang aking kalikasan ay napakamakasarili at kahabag-habag. Hindi ko hinanap ang katotohanan hanggang sa punto na ang maraming taon ng paniniwala ko sa Diyos ay hindi nagdulot sa akin ng anumang bagay na tunay at wala kahit anong bahid ng pagbabago sa aking disposisyon. Hinihingi ng Diyos na isagawa natin ang Kaniyang salita sa ating mga buhay, subalit inilayo ko ang aking sarili dito sa pagtupad sa aking mga responsibilidad. Ako ay tunay na hindi naniniwala! Hindi ako maaaring magpatuloy na ganito, nakahanda kong hanapin ang katotohanan at baguhin ang aking sarili.

Pagkatapos, binasa ko ang salita ng Diyos na nagsasabing: “Kung kayong mga tao na nakikipagtulungan upang gumawa sa mga iglesia ay hindi matututo sa bawat isa, at mag-uusap, makabawi sa mga pagkukulang ng bawat isa, mula saan kayo matututo ng mga aral? Kapag nakasasagupa kayo ng anuman, kailangan ninyong magbahagi sa isa’t-isa, upang ang inyong buhay ay makikinabang. … Kailangan ninyong magtamo ng may pagkakaisang pagtutulungan para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at para sa nagpapatuloy na pagpapasigla sa mga kapatid. Makipagtulungan ka sa kanya at makikipagtulungan siya sa iyo, sinususugan ang isa’t isa, darating sa isang mas mahusay na kalalabasan ng gawain, upang magmalasakit sa kalooban ng Diyos. Tanging ito ang tunay na pakikipagtulungan, at ang gayong mga tao lamang ang mayroong tunay na pagpasok. … Ang bawat isa sa inyo, bilang mga tao na naglilingkod, ay kailangang maipagtanggol ang kapakanan ng iglesia sa lahat ng bagay na iyong ginagawa, sa halip na atupagin ang iyong sariling mga kapakanan. Hindi katanggap-tanggap na gawin ito nang nag-iisa, kung saan pinahihina mo siya at pinahihina ka niya. Ang mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay hindi karapat-dapat na maglingkod sa Diyos!” (“Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binaggit ito sa isang pangangaral: “Walang nangunguna at pangalawang papel sa paglilingkod sa pagtutulungan. Lahat ay nasa pantay na katayuan, at ang prinsipyo ay makamit ang isang pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan. Hinihingi nito sa mga tao na sundin ang bawat isa. Ibig sabihin, kung sinuman ang nagsasabi ng tama at nagsasabi ng naaayon sa katotohanan at siyang dapat sundin. Ang prinsipyo ay sundin ang katotohanan. Ang katotohanan ay awtoridad, at sinuman ang may kakayahan na ipamahagi ang tungkol sa isang bagay na naaayon sa katotohanan at nakikita ang mga bagay nang tama ay siyang dapat sundin. Kahit ano pa ang ginagawa at anong tungkulin ang tinutupad ng mga tao, ang pagsunod sa katotohanan ang laging dapat na prinsipyo” (“Ang Kahulugan at Paliwanag ng Sampung Prinsipyo ng Buhay ng Iglesia na Itinatag ng Pamilya ng Diyos” sa Mga Piling Salaysay tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos). Mula sa pagbabahagi at salita ng Diyos, nakita ko kung paano ang pagtutulungan sa serbiyo ay dapat maisagawa. Ibig sabihin, ang pagsasalang-alang sa kalooban ng Diyos at pagprotekta sa kapakanan ng pamilya ng Diyos habang nagtutulungan. Kahit ano pa ang ginagawa o ano ang gawain, ang lahat ay dapat ginagawa bilang pagsunod sa katotohanan sa pamamagitan ng pagpapahayag sa katotohanan para makamit ang pagkakaunawaan. Hindi ka maaaring maging mapagmataas at mayabang para mapanatili ang iyong sariling mga opinyon at hikayatin ang iba na makinig sa iyo, at hindi mo maaaring ibenta ang katotohanan para protektahan ang iyong mga intrapersonal na ugnayan. Dagdag dito, hindi mo maaaring sundin ang kakanyahan para lumikha ng kalayaan, dapat kang magpakumbaba at magkaroon ng pagkukusa para huwag pagbigyan ang iyong sarili, matuto sa bawat isa, at punan ang kahinaan ng bawat isa para makamit ang isang magandang samahan sa trabaho. Tanging sa pamamagitan ng pagpasok sa ganitong tunay na samahan sa trabaho, pagpapasaya sa Diyos sa lahat ng bagay taglay ang isang puso at isang isip, at pagpuno sa mga kahinaan ng bawat isa maaari mong makamit ang mga biyaya at pamamatnubay ng Diyos, sa gayon ay hinahayaan ang iglesia na makamit ang mas magagandang resulta sa gawain nito habang napapabuti ang iyong sariling buhay. Sa kabilang banda, kung ikaw ay mapagmataas habang nakikipagtulungan, kung hindi mo hinanap ang prinsipyo ng katotohanan at maging isang diktador para makontrol ang iba, o kung gagawa mag-isa at aasa sa sarili na gawin ang mga bagay, kung gayon ay pagdurusahan mo ang pagkasuklam ng Diyos at magdudulot ng mga pinsala sa iglesia ng Diyos. Ngunit ako ay naging mapagmataasat palaging ninais na sa akin ang huling salita. Paano ko hindi nabatid na ang gawain sa pamilya ng Diyos ay hindi isang bagay na isang tao lang ang makakatupad? Lahat ng tao ay walang katotohanan at marami ang kakulangan. Ang umasa ang sarili para gawin ang isang bagay ay maaaring maging sanhi ng mga aksidente. Tanging sa pamamagitan ng pagtutulungan sa gawain maaaring makamit ang mas maraming gawain ng Banal na Espiritu para mapunan ang ating mga pagkukulang at mapigilan ang mga pagkakamali. Sa oras na iyon, hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkabagabag at sisihin ang sarili para sa pagkahayag ng disposisyon ni Satanas sa aking pagiging mapagmataas at makasarili, at sa kawalan ng kaunting pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, pati na sa pagtutuon lamang sa hindi pagkapahiya hanggang sa puntong pagpapakita ng nakakagulat at magaspang na asal. Naniwala ako na ako ay labis na nabulagan at hangal, at hindi ko naunawaan ang layunin ng Diyos para ayusin ang kapaligiran para sa akin para isagawa ang pagtutulungan sa serbisyo—kahit hanggang sa puntong hindi ako nagkaroon ng kaunting pagkaunawa kung paano matuto mula sa mga kalakasan ng aking kasama para mapunan ang aking mga pagkukulang, o kung paano matutuhan ang kailangan ko sa pamamagitan ng pagtutulungan. Ang resulta, nagdulot ito ng mga pinsala sa iglesia at inantala ang aking sariling paglago sa buhay. Ngayon, kung wala ang awa ng Diyos at kung wala ang liwanag ng salita ng Diyos, hindi ko sana magagawa na palayain ang aking sarili at hindi ko sana nabatid na ako ay hindi mas magaling. Gusto ko pa ring makinig ang iba sa akin, na para bang maaari akong umasa sa sarili ko na gawin ang gawain ng iglesia nang mabuti. Sa huli, sino ang nakakaalam kung anong kalamidad ang nangyari sana? Bunga nito, gumawa ako ng isang resolusyon: Nakahanda ako nang kumilos ayon sa salita ng Diyos, nakahanda ako na makipagtulungan nang mapayapa sa kapatid para sa gawain ng iglesia at para sa aking paglago sa buhay at hindi ko na iisipin ang aking sariling mga kapakanan kailanman.

Pagkatapos, inihayag ko ang aking niloloob sa kapatid na aking katrabaho tungkol sa pagkakilala ko sa aking sarili. Tunay kaming nagkausap at nakapasok sa prinsipyo ng magkasamang paglilingkod. Pagkatapos nito, naging mas mapayapa ang aming trabaho. Kapag kami ay may pagkakaiba ng mga opinyon, nagdarasal kami para sa katotohanan at hinahanap ang kalooban ng Diyos. Kapag nakikita namin ang pagkukulang ng bawat isa, naging maunawain at mapagpatawad kami; itinuturing namin ang isa’t isa nang may pagmamahal. Hindi namin namamalayan, naramdaman namin ang mga biyaya ng Diyos at ang mga bunga ng gawain ng ebanghelyo ay mas naibunyag kaysa sa nakaraan. Sa panahong ito, mas kinamuhian ko ang dati kong masamang kalikasan; kinamuhian ko na hindi ko hinanap ang katotohanan at labis na binigo ang Diyos. Sa wakas ay naramdaman ko ang tamis ng pagsasabuhay ng katotohanan at naramdaman ang mas malakas na kapangyarihan para tuparin ang aking mga tungkulin at pasayahin ang puso ng Diyos. Mula ngayon, nakahanda akong isabuhay ang mas maraming aspekto ng katotohanan at hangarin na magkaroon ng prinspyo sa lahat na aking gagawin.


——————————————————————


Magrekomenda nang higit pa:Ang paghuhukom bible verse

0コメント

  • 1000 / 1000