Alam Mo ba Kung Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao Kapag Siya ay Bumalik sa mga Huling Araw?
Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa kung anong paraan babalik ang Panginoon, maraming mga kapatid ang iniisip na ang Panginoong Jesus ay aakyat sa langit sa Kanyang nabuhay-muling espiritwal na katawan, kaya Siya ay magpapakita sa tao sa Kanyang nabuhay-muling espiritwal na katawan kapag Siya ay bumalik. Ngunit ito ba talaga ang mangyayari? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol" (John 5:22). "At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao" (Juan 5:27). Ang lahat ng pagtukoy sa "Anak" o "Anak ng tao" ay talagang tumutukoy sa Isang ipinanganak sa tao at mayroong normal na pagkatao. Ito ay tulad ng Panginoong Jesus na mukhang katulad ng ordinaryo at normal na tao sa panlabas, na mayroong normal na pagkatao, na kung saan ay mayroon ding diwa ng pagka-Diyos at kayang gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung Siya ay espiritu, hindi Siya matatawag na "Anak ng tao." Mula sa mga talatang ito ay makikita natin na ang Panginoon ay magkakatawang-tao bilang Anak ng tao at gagawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw. Sa puntong ito, marahil ang ilang mga kapatid ay magtatanong, "Ang Panginoong Jesus ay umakyat sa langit bilang ang nabuhay-muling espiritwal na katawan, ngunit bakit magiging laman ang Diyos bilang Anak ng tao upang gawin ang gawain kapag Siya ay bumalik, sa halip na magpakita sa itsura ng Kanyang nabuhay-muling espiritwal na katawan?" Ang 35-minutong clip ng pelikulang ebanghelyo na ito ay tutulong sa atin upang maunawaan ang hiwaga sa loob nito.
Malaman ang higit pa: Palatandaan ng pagbabalik ni cristo
0コメント