Ang Milenyang Pinangako ng Diyos sa mga Kristiyano

Dalawang libong taon ang lumipas, ipinangako ng Panginoong Jesus sa atin na Siya ay muling darating. Kaya, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos ay patuloy na dumadalo sa mga pagtitipon, nananalangin sa Diyos, at ipinalalaganap ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian at inaasahan ang katuparan ng pangako ng Panginoon.

Nakalipas na ang dalawang libong taon. Dahil sa kadiliman at kasamaan ng mundo, at ang nakapanlulumo at miserableng buhay, nakararamdam tayo ng kawalang pag-asa at pasakit, at ang ating pag-aasam sa pagbabalik ng Panginoon ay mas naging mahalaga. Madalas tayong nagdarasal at nananabik sa araw na kung saan babalik ang Panginoon, inaasahan na ang kaharian ng Diyos ay bababa na.

Ngayon, ang pangako ng Panginoon sa wakas ay natupad na. Ang Panginoon ay tunay na nakabalik na! Ang kaharian ng Diyos ay nakababa na sa lupa! Tignan, ang buong mundo ay nagsasaya, lahat ng tao ay nagagalak, at ang lahat ng mga bagay ay pinupuri ang pagdating ng Diyos. Ang kabuuan nito ay tumutupad sa mga propesiya sa Aklat ng Pahayag sa Bibliya, "At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man" (Pahayag 11:15). "At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios…. Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila" (Pahayag 21:2-3). Nasalubong na natin sa wakas ang Diyos…



Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo


————————————————


Ano ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo na nakapropesiya sa Bibliya? Paano ang mga ito matutupad? Basahin ang artikulong ito upang mas higit na matuto.

0コメント

  • 1000 / 1000