Alam Mo ba ang Kahalagahan ng Sampung Utos ng Diyos?
Mga mahal na kaibigan,
Papuri sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng oportunidad upang magkakasamang pag-aralan ang Torah.
Nakasisiguro ako na ang Sampung Utos ay isang pamilyar na paksa sa ating lahat. Nakatala sa Bibliya na matapos pangunahan ni Moses ang mga Israelita palabas ng Ehipto, ginamit ng Diyos si Moses upang ipahayag ang Sampung Utos upang turuan ang mga Israelita kung paano mamuhay. Ngunit alam mo ba ang kahulugan sa likod ng pagpapahayag ng Diyos ng Sampung Utos? Habang magkakasama nating pinag-aaralan ang Torah ngayong araw, sana ay matulungan ko kayong lahat.
1. Ang Sampung Utos ay may ginaganapang mahalagang papel sa pag-unlad ng tao, sibilisasyon, at kaligtasan ng buhay.
Sa isang aklat, sinabi na, “Ang mga alituntunin at mga patakaran ay sumasakop sa napaka-lawak na nilalaman, ang mga ito ay mga detalye ng paggabay ng Diyos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan, sila ay kailangang tanggapin at parangalan ng mga tao na dumating bago pa man ang Kapanahunan ng Kautusan, ang mga ito ay isang talaan ng mga gawain na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang mga ito ay tunay na katibayan ng pamumuno at patnubay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan.” “Ang pinakaunang sangkatauhan ay walang alam, at sa gayon ang Diyos ay kailangang simulan ang pagtuturo sa kanila mula sa pinaka-mababaw at mga pangunahing mga prinsipyo para patuloy na mabuhay at mga alituntuning kinakailangan para sa pamumuhay, pinupuspos ang mga bagay na ito sa puso ng tao nang paunti-unti, at binibigyan ang tao ng unti-unting pag-unawa sa Diyos, isang unti-unting pagpapahalaga at pag-unawa sa pamumuno ng Diyos, at isang pangunahing konsepto ng kaugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, sa pamamagitan nitong mga alituntunin, at sa pamamagitan nitong mga patakaran, na mga salita. Pagkatapos makamit ang epektong ito, saka lamang nakapagsimula ang Diyos, unti-unti, na gawin ang gawaing gagawin Niya sa bandang huli, at kaya ang mga alituntuning ito at gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang saligan ng Kanyang gawain sa pagliligtas ng sangkatauhan, at ang unang yugto ng gawain ng plano sa pamamahala ng Diyos” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”).
Ipinapakita ng sipi na ito sa atin na ang Sampung Utos ay may ginaganapang mahalagang papel sa lahat ng sibilisasyon at pag-unlad ng sangkatauhan, dahil sa maagang bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay gaya ng mga sanggol, hindi nalalaman ang kaibahan ng kabutihan at kasamaan o tama at mali, walang konsepto ng sentido kumon at mga patakaran na dapat taglayin ng mga tao, at lalong hindi naiintindihan ang konsepto ng kasalanan. Hindi sila napipigilan sa kanilang mga salita at gawa, ginagawa nila anuman ang gusto nila, at ni hindi man lang nila iniisip ang mga kahihinatnan, gaya noong pinatay ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel dahil sa selos. Kung hindi ipinahayag ni Jehovah ang batas at ginabayan ang mga tao, kakalat ang kasalanan sa buong sangkatauhan, magagawa ni Satanas na gawing tiwali at tapakan ang buong sangkatauhan kahit kailan niya gusto, matagal nang nilamon ng kaguluhan ang lipunan, at magiging imposible nang makaligtas ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyan. Upang hayaan ang sangkatauhan na mas sambahin ang Diyos at mamuhay sa lupa, ipinahayag ng Diyos ang mga batas, gaya ng kautusan at mga prohibisyon, upang makontrol ang pag-uugali ng tao, maiwasan ng mga tao ang magkasala, hayaan ang mga taong malaman kung ano ang kasalanan at ang mga bagay na isinumpa ng Diyos, at upang maintindihan din ng mga tao kung paano mabuhay at sambahin ang Diyos, upang magawang mamuhay ng mga Israelita ng maayos, at upang makaligtas ang sangkatauhan at umunlad hanggang sa kasalukuyan.
Ang pagpapahayag ng Sampung Utos ay naglatag ng pundasyon para sa pagtatatag ng mga legal na sistema ng sangkatauhan. Sa makabagong batas, ang mga krimen ng sinadyang pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw, at paglapastangan sa Diyos ay nagmula lahat sa mga kasalanan na nakalista sa Sampung Utos. Ang mga utos at batas na dinambana ni Jehovah para sa mga Israelita ay hindi lamang nagtataglay ng malaking epekto sa batas ng tao, ngunit mayroon ding mahalagang papel sa pagtatatag at pagbuo ng moral na sibilisasyon at mga demokratikong institusyon sa lipunan. Tiyak na dahil sa mga limitasyong ipinataw ng mga batas na ito kaya napakaayos ng sangkatauhan. Kung wala ang mga ito, magiging magulo.
2. Ang Sampung Utos ay puno ng pagmamahal at pagmamalasakit ng Diyos sa sangkatauhan.
Matapos ipahayag ng Diyos ang batas, ibinigay Niya ang awa at pagpapala sa mga nag-iingat nito, gayundin sa mga nag-aalaga at nagpoprotekta sa mga ito. Ang mga lumabag sa mga kautusan ng Diyos ay sinunog o binato hanggang sa mamatay. Ang mga gayong klase ng parusa ay napakarahas sa paningin ng mga tao, ngunit palaging maganda ang mga intensiyon ng Diyos, dahil ang diwa ng Diyos ay pagmamahal para sa mga tao. Gayundin ang trato natin sa sarili natin mga anak: Upang masigurong lalaki silang malusog, masaya, at hindi mapunta sa daan ng kasalanan, gumagawa tayo ng mga batas habang hindi pa nila alam ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama, pinagbabawalan silang basta manakit o manermon ng iba, pinagbabawalan silang magnakaw o kunin ang pag-aari ng ibang mga bata, at iba pa. Kung hindi masunurin ang ating mga anak at hindi tinatahak ang landas ng kabutihan, dinidisiplina natin sila ng nararapat, layunin na palakihin sila ng tama, hindi magkaroon ng masasamang kaugalian, at hindi maglakad sa landas ng kasalanan. Pag-ibig ang nag-uudyok sa lahat ng mga bagay na ito. Kung hindi tuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng maaga at hayaan ang kanilang mga anak ayon sa kagustuhan nila, kung ganoon ay hindi maiiwasang tahakin nila ang landas ng kasalanan at maparusahan ng batas. Totoo din na iyon ang intensiyon ng Diyos sa pagpapahayag ng batas at mga kautusan. Kahit na tila masyadong mahigpit ang batas sa mga tao, ang layunin niyon ay upang pigilan at protektahan ang mga tao. Ang intensiyon ng Diyos ay iligtas ang mga tao mula sa pamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Hindi nais ng Diyos na makita ang buong sangkatauhan na gawing tiwali at lamunin ni Satanas, at mapunta sa landas ng pagkawasak. Umaasa Siya na susundin ng mga tao ang Kanyang mga kautusan, tanggapin ang Kanyang mga pagpapala, at mamuhay ng mas maganda sa lupa. Dito, sa matuwid, marilag na disposisyon ng Diyos, makikita natin ang Kanyang pag-ibig at pagmamalasakit sa sangkatauhan.
3. Ang batas at ang Sampung Utos na ipinahayag ng Diyos ay ang pundasyon ng gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan.
Ang batas at mga kautusang ipinahayag ng Diyos ay naging batayan para sa patuloy na kaligtasan ng sangkatauhan. Ang katotohanan na ginagawa ng Diyos ang bagay na ito ay hinahayaan tayong malaman kung ano ang kasalanan at kung ano ang hindi, at hinahayaan din tayong suriin ang pag-uugali ng bawat indibidwal. Kung wala ang mga batas at kautusang ipinahayag ng Diyos, magiging tila bagong panganak ang mga tao, ignorante sa lahat ng bagay. Hindi natin malalaman kung ano ang kasalanan, at hindi lalo maiintindihan kung paano ikumpisal ang kasalanan at kung paano magbigay ng mga handog sa Diyos upang tubusin ang ating mga kasalanan. Isipin mo ang isang tatlong palapag na gusali: Ang unang palapag ay ang pundasyon, at kung wala ‘yon, hindi maitatayo ang ikalawa at ikatlong palapag. Tulad din iyon ng pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak ayon sa kanilang kakayahan na tumanggap at makaintindi, siguruhing magagawa nilang matutunan sentido-kumon at mga panuntunan ng pagiging isang tao, at paunti-unti, palalakihin sila sa sapat na gulang. Kaya naman, ang pagpapahayag ng Diyos ng mga batas at mga kautusan ay kailangang-kailangan para sa paggabay ng Diyos sa buhay ng sangkatauhan, at inilalatag din ang pundasyon para sa higit pang gawain ng Diyos sa sangkatauhan.
Ang mga bagay na ito ay ipinapakita sa atin na ang kahalagahan ng pagpapahayag ng Diyos ng Sampung Utos ay malayo ang naaabot! Hinahayaan tayo ng Sampung Utos na makita ang mga gawain ng Diyos sa likod ng maayos na pamumuhay ng sangkatauhan, at ang tapat na intensiyon ng Diyos na mabuhay ang mga tao sa ilalim ng Kanyang proteksiyon. Hindi mapipigilang pukawin ng mga bagay na ito ang ating takot at pasasalamat para sa Diyos.
Salamat sa Diyos. Ang Lahat ng kaluwalhatian ay sa Makapangyarihang Diyos.
——————————————————
Alam mo ba kung paano ang pagbabasa ng Bibliya upang makakamit ng higit na kaliwanagan at gabay ng Diyos? Ang 3 pangunahing punto na ito ay magiging malaking tulong. Basahin na ngayon.
Manood ng higit pa: Paano ang Pagbabasa ng Bibliya: 3 Pangunahing Punto
0コメント