Ang Propesiya sa Pagbabalik ng Panginoon ay mga Natupad na, Ngunit Bakit Hindi Pa Natin Nasasalubong

Dalawang libong taon ang lumipas, nang ang mga disipulo ng Panginoong Jesus ay nagtanong kung ano ang mga senyales sa Kanyang ikalawang pagparito, at kung ano ang magiging kahihinatnan ng mundo, Sinabi Niya, "At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:6-8). Ngayong mga araw, lahat ng uri ng mga sakuna sa palibot ng mundo ay mas nagiging malala. Halimbawa, nang 2019 lamang, ating nasaksihan ang pagbaha sa India, ang pulang kalangitan sa Indonesia, ang sunog sa Amazon, at ang ubod ng lakas na bagyo sa Japan. Dagdag pa, Ang African Swine Fever (ASF) ay kumalat sa maraming bansa sa mundo; ang protesta sa Hong Kong ay umagaw ng pandaigdigang pansin; ang awayang pangkalakalan ng US-Tsina ay patuloy na umuusbong, at marami pang iba.

Mula Sa mga senyales na ito makikita natin na ang mga propesiya ng Panginoong Jesus patungkol sa mga huling araw ay mga natupad na. Ito ay naninindigan sa mga rason na ang mga huling araw ay dumating na at ang Panginoong Jesus ay nakabalik na. Sinabi ng Bibliya, "At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Lucas 21:27). Kaya, ang Panginoong Jesus ay dapat na lumitaw sa atin sa mga ulap kapag Siya ay dumating. Ngunit bakit hindi pa natin Siya nasasalubong? Meron bang ibang paraan ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Anong mga misteryo ang nakabalot dito?


——————————————

Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya.


Manood ng higit pa: Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”

0コメント

  • 1000 / 1000