Mga Sermon at Pagbabahagi: Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw Bago ang Sakuna para Mad
Ngayon sa mga huling araw, nagpakita ang Diyos at nagsimulang gumawa, ibig sabihin, sinimulan na ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; samakatuwid yaong mga makatatanggap ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamapapalad. Naririnig ito ng ilang relihiyosong tao at tinatanggihan ito, hindi nila kinikilala ang pahayag na ito, sinasabi nilang: “Ang Panginoong ang totoong Diyos, ang Panginoong Jesus ang Cristo. Hindi tayo kailangang maniwala sa Makapangyarihang Diyos upang makapasok sa kaharian ng langit.” Ganito bang mag-isip ang lahat ng relihiyosong tao? Umaayon ba ito sa mga layon ng Diyos? Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na kung naniniwala kayo sa Kanya ay makakapasok kayo sa kaharian ng langit, hindi Niya sinabi iyon. Hindi Niya sinabi na kung tinatanggap ninyo ang gawaing mapantubos ay patatawarin Niya ang inyong mga kasalanan at papapasukin kayo sa kaharian ng langit. Ni hindi Niya sinabi na kung magiging tapat kayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, ang tatlong salitang ito, makakapasok kayo sa kaharian ng langit. Hindi Niya sinabi iyon. Sinabi Niya na sa mga huling araw, lahat ng nakakarinig sa pagdating ng kasintahang lalake at tinatanggap siya at nakikisalo sa kanyang piging ang mapapalad. Dadalhin ang mga taong ito at magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa kaharian ng langit. Matatanggap ng matatalinong dalaga ang pagbabalik ng Panginoon; hindi sasalubungin ng mga dalagang mangmang ang pagbabalik ng Panginoon. Ano ang kahihinatnan ng mga dalagang mangmang? Pababayaan sila at aalisin! Kaya, sa mga yaon na naniniwala sa Panginoon, ang matatalinong dalaga lamang ang makatatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, makakakilala sa tinig ng Diyos mula sa katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at makakakita sa katiyakan ng pagbabalik ng Diyos. Ang ganitong uri ng mga tao, pinapatnubayan sila ng Panginoon. Maghahapunan sila kasama ang Panginoon, sa huli ay padadalisayin, ililigtas at dadalhin sa kaharian ng langit.
mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Serye 131)
Dumarating ang pagliligtas sa sangkatauhan una sa lahat sa dalawang yugto: Una, ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng pagtubos, na gumaganap bilang handog para sa kasalanan. Ikalawa, hinahatulan, kinakastigo at dinadalisay ng Diyos na nagkatawang-tao ang tao. Ito ang tunay na patotoo sa gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan. Kung ang unang yugto lamang ang kaya mong tanggapin, na pagtanggap lamang sa handog para sa kasalanan, ngunit hindi mo kayang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, walang kabuluhan ang paghahandog para sa kasalanan. Ang paghahandog sa kasalanan ay hindi nagpapadalisay sa tao; hindi nito kayang gawin iyon. Paghatol at pagkastigo lamang ang makapagpapadalisay sa tao. Kaya, ano ang handog para sa kasalanan? Binibigyan ka nito ng karapatan. Kung tatanggapin mo ito at ang pangalan ng Panginoong Jesus, mapapatawad ang iyong mga kasalanan, at karapat-dapat kang manalangin sa Diyos, humarap sa Kanya at tanggapin ang Kanyang gawain. Hindi ba isang uri ito ng pagkakaroon ng karapatan? Sinasabi ng ilan, “Mali iyan. Sa oras na tanggapin natin ang Panginoong Jesus, napatawad na ang ating mga kasalanan. Paano mo masasabi na isang uri lamang ito ng pagkakaroon ng karapatan?” Ito ba ang tamang paraan ng pag-iisip? Mapaninindigan ba ang argumentong ito? Katumbas ba ng mapadalisay ang mapatawad sa kasalanan? Hindi. Kaya, ang pagpapatawad sa iyong kasalanan ay biyaya ng Diyos, ang pagkakaloob sa iyo ng Kanyang biyaya. Babalewain ng Diyos ang iyong mga kasalanan, ngunit hindi ito nangangahulugan na wala kang kasalanan, at siguradong hindi ito nangangahulugan na hindi ka magkakasala. Samakatuwid, ang mga nananalig na pinatawad na ang mga kasalanan ay maaari pa ring magkasala; maaari pa rin silang magsinungaling at mandaya gaya ng dati at paulit-ulit pa ring magkasala at pagkatapos ay mangumpisal ng mga kasalanan. Hindi ba totoo ito? Kung titingnan mo ito mula sa pananaw ng katotohanang ito, kumakatawan nga ba ang handog para sa kasalanan sa pagdadalisay sa tao? Ito ba ang gawain ng pagdadalisay? Binibigyan lang nito ng karapatan ang tao. Kapag nagkaroon ka na ng karapatang ito, maaari kang manalangin sa Diyos at magtamasa ng Kanyang biyaya. Kaya, ano ang biyaya ng Diyos? Ito ay para patawarin ka, ngunit hindi ito nangangahulugan na dalisay ka na. Napatawad ka lang. Sa Panahon ng Biyaya, matapos isagawa ang handog para sa kasalanan, nagkaroon ba ng karapatan ang tao na pumasok sa kaharian ng langit? Hindi. Ano ang katibayan natin? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Kung sinasabi mong, “Panginoon, Panginoon,” hindi ba pinatatawad na ang mga kasalanan mo? Bakit hindi ka makapasok sa kaharian ng langit? Ayon sa mga salitang ito, hindi ka pa rin makakapasok sa kaharian ng langit kahit napatawad na ang mga kasalanan mo. Hindi ka nito binibigyan ng karapatang pumasok sa kaharian; binibigyan ka lamang nito ng karapatang manalangin sa Diyos, at humarap sa Kanya. Kung gayon, bakit isinagawa ng Diyos ang paghahandog para sa kasalanan para sa tao? Ang Diyos ay banal. Kung ikaw ay makasalanan, isang taong nagkakasala, at kung kauri ka ni Satanas, hindi ka karapat-dapat na magpatotoo sa Diyos. Hindi ka karapat-dapat na sumaksi sa Kanya ni manalangin sa Kanya. Kung mananalangin ka sa Kanya, magdadala ka ng kahihiyan sa Kanya at dudungisan mo ang Kanyang pangalan. Kaya, ginawa ng Diyos ang paghahandog para sa kasalanan. Pinatawad Niya ang iyong mga kasalanan. Binalewala Niya ang mga iyon at pinatawad ka para maging karapat-dapat kang manalangin sa Kanya. Ang gawain ng Panginoong Jesus ang nagbukas ng daan para sa paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Isinagawa Niya ang paghahandog para sa kasalanan, at sa pamamagitan nito, karapat-dapat ang tao na tanggapin ang ikalawang pagparito ni Jesus at tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang kahulugan ng gawain ng paghahandog para sa kasalanan.
mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Serye 136)
Anong uri ng gawain ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tao sa mga huling araw? Ito ang gawain ng pagliligtas at pagperpekto sa sangkatauhan; ito ang gawain ng paghahatid ng kaligtasan sa mga taong ito at pagdadala sa kanila sa kaharian ng Diyos. Ang isang tao ay kailangang hatulan at kastiguhin para madala sa kaharian ng langit. Ang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang maranasan ang praktikal na gawaing madala ng Diyos sa kaharian ng langit. Ano ang ibig sabihin ng madala sa kaharian ng langit? Iyon ay ang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang mapadalisay, sa gayon ay manatili at makapasok sa kaharian ng langit. “Kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos.” Anong uri ng tao ang pinupuri ng Diyos? Pinupuri Niya ang napadalisay at naperpekto sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Malinaw na ba sa iyo ngayon ang bagay na ito? Ito ay isang pananaw, at dapat mong malinawan ang pananaw ng gawain ng Diyos, dahil ito lamang ang pagkakataon, isang pagkakataon na dumating ang milenyo. Ito lamang ang pagkakataong makapasok sa kaharian ng langit. Hindi nabigyan ng ganitong pagkakataon ang mga Israelitang dumaranas ng gawain ng Diyos; sa loob ng dalawang libong taon ng Panahon ng Biyaya, hindi nabigyan ng ganitong pagkakataon ang mga nananalig sa Panginoong Jesus; sa halip, ang mga isinilang sa mga huling araw na tumanggap sa gawain ng Diyos ang nabigyan ng pagkakataong ito. Kung palalampasin mo ito, hindi ka na magkakaroon ng ibang pagkakataong mapuri ng Diyos. Kung wala ang pagkakataong mapuri ng Diyos, makakapasok ka ba sa kaharian ng langit? Kung magkagayon, hindi ka makakapasok kailanman, dahil minsan lang ang pagkakataong ito.
mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Serye 122)
Ano ang rapture? Ira-rapture ba tayo ng Panginoon sa hangin kapag Siya ay bumalik? Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, kanya nang naunawaan ang mga kasagutan at na-rapture sa harapan ng Panginoon.
0コメント