Ang Mahalagang Punto para sa Pagpasok sa Arko ng Huling Mga Araw

Ang Panginoong Jesus ay minsang nagpropesiya: “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39). Narito na tayo sa pagtatapos ng mga huling araw at ang mga propesiya ng ikalawang pagparito ng Panginoon ay natupad nang isa-isa. Ang mga sakuna ay nangyayari sa isang kapansin-pansin na dalas sa buong mundo - mga gutom, salot na lindol, digmaan, malakihang sunog, at napakalaking pagbaha at bagyo na nagiging mas malubha. Mula sa mga sakunang ito, paano natin hahanapin ang kalooban ng Diyos?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga huling araw ay dumating na, at ang mga bansa sa buong mundo ay nasa kaguluhan. Mayroong kaguluhang pulitikal, may mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, at ang mga pagkatuyot na lumilitaw sa lahat ng dako. Mayroong malaking sakuna sa mundo ng tao; ang Langit ay nagpadala rin ng sakuna. Ito ang mga palatandaan sa mga huling araw.”

“Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at naiwala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay, pinabayaan ang kanilang sarili na maging napakasama. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalong nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.”


————————————————————

Dumarami na ang mga sakuna at lumitaw ang mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon. Maraming mga mananampalataya ang may pangitain na malamang na bumalik na ang Panginoon. Kaya, paano natin masasalubong ang pagbalik ng Panginoon at makamit ang kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw? Mangyaring i-click ang sermon tungkol sa kaligtasan.

0コメント

  • 1000 / 1000